Hindi natin kayang makipagkumpetensya sa mga malalaking business na nagbabayad ng tv ads, radio ads, newspaper at kung ano ano pa. But we have ways. Eto yung ilan sa mga ginagamit ko na tingin ko pwedeng pwede mo din gamitin.
1. Online Selling Sites.
Eto para sa akin ang pinakaeffective. Olx.ph, eBay.ph, craigslist.org, 88db.com, at madami pang iba. Pinaka-okay sakin yung olx.ph although mahigpit sila pagdating sa content ng ads. Nakakatuwa lang sa olx.ph, pag nagsearch yung isang tao (for example sa google) ng isang item na gusto nyang mabili, madalas number 1 sa list si olx.ph. So click agad si prospect customer at malaki yung chance na makita nya yung ad mo. May isa pa akong bagong nadiscover na selling site. Si Shopee. Feeling ko malapit na nga ako ma-addict sa kanya e. Maganda dito, free delivery (madalas) at walang scammer or kung meron man, safe ang buyer. Idiscover nyo na lang kung paano.
2. Facebook ads.
Di ako gumagamit ng ibang social media accounts like twitter and instagram kaya si facebook lang talaga yung mabibigyan ko ng recommendation. Okay si facebook kasi talagang dumadami yung likes ng page ng business mo at natatarget mo yung mga prospects. Kaya lang, hindi sya free. Ako, gumagastos ako ng Php40.00 a day para sa fb ads ko. Maliit na amount lang naman. Plano ko pag medyo madami na yung likes, ibahin ko naman yung ads na ilalagay ko.
3. Flyers.
Kung ang target market mo ay within the area lang naman, pwede na din to. mura pa. nagtry na ko nito, konti lang. Ginagawa ko din minsan pag idedeliver ko na client ko yung items na inorder nya, sinasamahan ko ng madaming flyers, hoping na ipamigay naman nya. hehe
4. Word of Mouth.
Magandang magandang serbisyo. Yan muna ang kailangan. Tapos dapat super satisfied si customer. Tapos pag super satisfied na sya, ikkwento nya sa mga family and friends nya. yun yown! Libre pa.
5. Promos.
Magpromo ka naman ng items. Samahan mo ng freebies yung items mo. O kaya magpromo ka ng mga items mo, kahit 20% off lang.;)
Ikaw anong marerecommend mo na paraan to promote our home-based business?
No comments:
Post a Comment