Magnegosyo tayo!


Ako ay isang negosyante.

Small time, pero legal at lumalagong negosyo.
At alam kong yan din ang hanap mo.
Yung pwedeng gawin sa bahay
Yung pwedeng simulan kahit may trabaho pa ako
Yung posible kahit may inaalagaan akong mga chikiting

No! Hindi ako mag-aalok ng Network Marketing.
Although, legal din naman yung ibang ganun at nakasubok na din ako.
Pero hindi yan ang business ko.

I am an Entrepreneur.
Nung college, I took up Business Administration major in Entrepreneurial Management. Doon nagsimula ang idea ko about having my own business. Halos isang dekada din akong naging empleyado habang nagtetesting / suma-sideline ng negosyo na patok.

And finally, iniwan ko na ang mundo ng pagiging empleyado at naging negosyante. I started my business last August 2016. Yung legal, nakarehistro, at kumpleto ang dokumento. :)

Yes mahirap. nakakatakot mag-fail.

Kaya ginawa ko ang blog na ito.
Gusto kong ibahagi kung ano ba yung mga ginawa ko para finally magkanegosyo.

Gusto kong ishare ang akong journey mula sa pagiging empleyado tungo sa pagiging ganap na ENTREPRENEUR!

No comments:

Post a Comment