I am not an expert at this. I just would like to share a simple way on how you can start.
you can do it your way or find a coach to do it. Ideas and opinions ko lang to ha. Sana may mapulot kayo.
1. PLAN.
Syempre kailangan may plano.
Get a notebook and ballpen. at magsimula magplano.
Paano mo ba plano magsimula? Gusto mo ba part time lang muna. side line lang. Hanggang sa unti-unti kang makaipon at makapagpundar ng full time business?
Or gusto mo ba full time na agad? Ako, nagsideline lang muna ako dati, kasi nga may work naman ako noon. Saka wala naman nagtuturo sakin anong dapat gawin. Kaya lahat ng alam ko, diniscover yan through time. Pero nung finally, nagdecide ako na magbusiness, talagang nagresign na ako, at nag-invest ng capital.
Investment ko for invitation business is around Php20,000.00. Kasama na dyan ang printer, die cutting machine at iba pang mga tools.
Kelan mo plano magsimula? bigyan mo ang sarili mo ng timeline. Lalo na kung wala kapang skills at capital. Give yourself time to learn and time to earn para masimulan ang business mo. Marunong ka na ba magphotoshop? kung di pa, give yourself 1 week to 1 month para matuto. di mo kailangan maging master sa photoshop.
Wala akong formal training sa photoshop. Katulad ng sinabiko, unti unti kong diniscover pati yan. Sa capital, kung magiinvest ka ng 20,000 gaano mo ba katagal bago maipon yan? sabihin na nating 1 month. Assume natin na within 1 month, ready na ang skills at capital mo, bigyan mo naman ang sarili mo ng time magprepare para sa business.
Gano katagal bago mo ma-setup ang home business mo once may capital ka na. Gaano mo katagal aaralin ang tools? Let's say 1 week. e yung mga sample items mo, gano katagal bago mo magawa, let's say another 1 week.
So, meron kang 1 month and 2 weeks para iready ang business mo. Suggestion ko lang yan ha. pero yun nga, kailangan isama mo yan sa plano mo - kahit pa 1 month, 6 months, or 1 year yan. basta dapat may plano ka.
Kelan mo plano magsimula kumita? Importante to. Nag-invest ka ng 20,000 (example lang yan). Kelan mo mababawi yan? Bigyan mo din ang sarili mo ng target. Di mo yan mababawi sa isang customer lang syempre. don't expect na agad agad kikita ka. dapat may plano ka kelan mo yan mababawi. kasi pag wala kang plano, dadating ka sa point na tatamarin ka or kakabahan ka kasi parang antagal na di mo pa nababawi yung puhunan mo.
Paisipan mo muna. Buwan buwan, magkano ba target mo na kita? Sabihin nating 2,000. Ibig sabihin, sa loob ng 10 months bawi mo na yung capital mo. Pwede din namang target mo ay 10,000 kada buwan. So in 2 months bawi mo na puhunan mo.
Paano mo plano maghanap ng customer? mamimigay ka ng flyers sa labas ng bahay? gagwa ka ng website or FB page? magppromote sa OLX (pinakaeffective to. promise.)? kailangan alamin mo din paano ka makakahanap ng clients.
2. ACT.
May plano ka na, syempre kailangan gawin mo.
3. REVIEW.
Yung notebook na sinulatan mo, syempre di mo yan itatago. Review mo kung nasusunod ba yung plano. kailangan ba irevise ang plano. at kapag natupad na ang plano, anong kasunod? create new plans. new goals.
No comments:
Post a Comment